top of page

Bunga

  • Writer: Colin Cris Celestial
    Colin Cris Celestial
  • May 6, 2021
  • 1 min read

Updated: May 15, 2021


YoungPilipinas.com Filipino Flash Fiction

Matapos ang isang dekada pananatili sa relasyon, naghiwalay ang dating magkasintahan na sila Inigno at Janice.


Puspós ng kapighatian ang nararamdaman ni Janice sa nalaman bago sila maghiwalay ng dating nobyo. Si Inigno ay nakabuntis at ang masaklap nito, ang best friend pa ni Janice ang kasama nito sa pagtataksil. Gayong buntis rin siya


Nang manganak siya ay nababahala ang kaniyang mga magulang at kaibigan sapagkat may post-pastrum depression siya. Ayaw niyang makisalamuha't gusto niyang mapag-isa sila ng kaniyang anak. Dumating sa punto na tumititig si Janice sa bagong silang niyang lalaki, carbon copy nito ang taksil na ama.

Narinig niya ang paglagabog ng pinto, pilit binubuksan ng kaniyang magulang. Nakatitig pa rin siya sa anak na umiiyak ngayon dahil sa ingay. Naririndi siya sa kaniyang naririnig at nanginig ang kaniyang kamay habang inaabot ang batang ngumangawa.

Nang bumukas ang pinto'y napaluha ang mga magulang ni Janice dahil sa ginawa nito sa bata.


Yakap-yakap nito ang anak habang hinehele at pumasiyók ng 'di gaanong mahina.


"Shh, mahal ka ni Mama. Magsisimula ulit ako dahil ikaw na ngayon ang bunga ng relasyon naming 'di naging masaya pero magiging lakas ko sa pagpapatuloy sa buhay."

コメント


Sponsors

Splenda Square Ads.jpg
Philips Square Ads.jpg
Philadelphia  Square Ads.jpg
Meat Republik 300 x 300.png
450 x 120 Leaderboard.png
Young Filipino's best stories written through poetry, flash fictions, and listicles in Young Pilipinas
YoungPilipinas.com
bottom of page