top of page
Writer's pictureNerelyn Fabro

Bulag sa Liwanag


Bakit bughaw ang langit? Ngumingiting matamis,

payapa'ng hinahatid, maliwanag ang bukas.

Bakit ginto ang araw? Sa kislap ay lumabis,

palibot nito'y ilaw, sa sinag ay malakas.

Bakit gano'n ang apoy? Lagablab ang s'yang dala,

nakapapaso'ng silaw, umiinit ang kinang.

Bakit gano'n ang langit? Ang araw at apoy pa?

liwanag nagniningas, sa 'ki'y kinakalawang.

Pangarap kong hiniling, matupad ay malabo,

'di nila sing liwanag, ang katulad ay gabi;

pangarap ko ay bulag, kadilima'y sinubo,

kasing itim ng uling, makamta'y 'di masabi.


Bakit gano'n ang langit? Araw pati ang apoy?

Baliktad sa pangarap, kulungan ko'y panaghoy.


--Nerelyn Fabro

Nerelyn Fabro, 17 taong gulang. Nilalaro ko ang mga salita kapag pinaglalaruan ako ng mundo. Halimaw man ang delubyo, wala itong laban 'pagkat pluma ko'y hindi nagpapatalo!

0 comments

Comments


Sponsors

Splenda Square Ads.jpg
Philips Square Ads.jpg
Philadelphia  Square Ads.jpg
Meat Republik 300 x 300.png
450 x 120 Leaderboard.png
bottom of page