top of page
Writer's pictureNerelyn Fabro

Buhat


A poem dedicated to a strong woman who bring home the bacon, Hidylin Diaz
A poem dedicated to a strong woman who bring home the bacon, Hidylin Diaz

"Hindi mo makakaya ang laban ng malalakas,

pagsali mo sa weightlifting, oras ay mawawaldas.


Hindi mo magagawa kaya ba't ka susuportahan?

Sa babae mong katawan, mahina ka naman!


Wala kang pag-asa, mag-ensayo ka man palagi,

sa tunay na kompetisyon, 'di ka magwawagi."


Ngunit sila'y napahinto, biglaang napanganga,

nang mapanood sa telebisyon ang malakas na dalaga.


Binago mo ang paniniwala, nilinis kanilang isipan,

pinahanga ang mundo sa angking kalakasan.


Pinamuka mong babae man, hindi dapat maliitin,

'pagkat tulad mong dilag, pinatunayang may ibubuga rin.


Pinamangha mo ang tao'y dating nanghuhusga,

sumuporta ang dati'y nagsabing 'di mo makakaya.


Bumaliktad ang mundo, dati ika'y pinapabagsak,

ngayo'y sila na ang puspusang pumapalakpak.


Bitbit mo sa kamay ang bigat ngunit nilalabanan,

naniwala sa sarili para na rin sa sariling bayan.


Nagbunga ang pagod, nagbunga ang pag-eensayo,

kahit pa ang mga palad ay puno na ng kalyo.


Gintong medalya'y kauna-unahan mong iniuwi,

nag-iisa ka lang ngunit milyon ang 'yong napangiti.


Sumasaludo ang lahat sa 'yong ginawa,

mayaman man o mahirap, sobra ang tuwa.


Binigyan mo ng karangalan ang bansang Pilipinas,

kaya't ang huling masasabi, mabuhay ka! Hidilyn Diaz!


...

Young Pilipinas Poetry



1 comment

Related Posts

See All

1 Comment


Unknown member
Sep 18, 2021

💛💛💛

Like

Sponsors

Splenda Square Ads.jpg
Philips Square Ads.jpg
Philadelphia  Square Ads.jpg
Meat Republik 300 x 300.png
450 x 120 Leaderboard.png
bottom of page