Bituing Walang Ningning, isang tula ng inspirasyon sa buhay
Ang mga pinapangarap ko sa buhay
parang bituin sa madilim na kalangitan,
napakalayo tignan at abutin,
parang imposibleng marating
at hinahangad ng iba rin.
Madaling mangarap,
ngunit 'di madaling matagumpayan.
Parang paglusot ng sinulid sa butas ng karayóm,
nangangailangan ito ng oras at dedikasyon
upang matamo ang tunay na inaasam-asam.
Subalit ang iba ay sinusubok ng inip,
ang hindi maliwanag na direksyon ay sinisilip
ang lubák na daan ay nilisan
mga paa'y patungo sa nagbabalatkayong patibong
pag-angat ay mas nahihila palubog.
Oh kay hirap nga namang matamasa
pero ang bawat hakabang ay pagkapit sa pag-asa
mga sakripisyo ay magdadalit ng kaliwanagan—
ningning ng napasakamay na hiraya
pagkat proseso'y pinagkatiwalaan.
Comments