top of page
  • Writer's pictureRonjo Cayetano

Bistado


Bistado - a Filipino flash fiction by Ronjo Cayetano
Bistado - a Filipino flash fiction by Ronjo Cayetano

Habang kumakain ng hapunan ang mag-inang ganid sa kayamanan ay napagkuwentuhan nila ang anak sa pagkabata ni Aldren na si Austine.


"Tiyak hindi na babalik ang bastardong iyon," nakangiting wika ni Marta sa kaniyang anak.


"Talagang hindi na ma," tugon ng anak nitong maldita pagkatapos ay sabay na humalakhak.


Habang tuloy sila sa pagngasab ng pagkain ang dal'wa ay biglang bumungad si Aldren sa pintuan.


"Nasaan si Austine?" Bungad ni nito galing trabaho.


"Pa! nariyan ka na pala, kain na." nabiglang alok ng mag-ina na tila walang naririnig sa tanong nito.


Habang sumusubo ng pagkain si Aldren ay iniisip nito ang kaniyang isa pang anak.


"Alam niyo ba kung saan pumunta si Austine? Gumagabi na ah, wala pa siya. Hindi naman siya inaabot ng ganitong oras sa labas," tanong nito sa mag-ina subalit nagbingi-bingihan lamang na kapwa walang narinig.


Sa kakaisip sa anak at wala sa sarili sa pag-aalala ay hindi nito namalayang napalaki ang subo nito sa ulam dahilan ng pagkaudwa.

Nang iluwa niya ang pagkaing halos ikaluog niya ay tumambad ang isang singsing na katulad ng iniregalo niya kay Austine.

0 comments

Comments


Sponsors

Splenda Square Ads.jpg
Philips Square Ads.jpg
Philadelphia  Square Ads.jpg
Meat Republik 300 x 300.png
450 x 120 Leaderboard.png
bottom of page