top of page

Binibining kay Rikit

Writer's picture: Ronjo CayetanoRonjo Cayetano

Young Pilipinas Poem - A poem about courtship
A poem about courtship

O binibining kay rikit sa'yong mataas na pugad,

ako ay nakatingala mapansin mo tanging hangad.

Sa iyong sulyap at ngiti ako baga ay mapalad,

ika'y namumukod tangi at sadyang walang katulad.


Bintana ng iyong mata na talagang nagniningning,

kapag aking dinudungaw tuong nakahuhumaling.

Mga buhok mong kay haba tila sa lupa ay rating,

manunuyong nakapila mapasagot ka ang hiling.


Wala akong ilalaban sa kanilang porma't gara,

ako'y simpleng manliligaw na may mabuting adhika.

Aking dala-dalang rosas nawa ay iyong tanggapin,

pag'tapos ako'y tutugtog ng 'yong nais na tugtugin.


Wala akong kayamanan sa'yong maipapangako,

tanging wagas na pag-ibig—kasama mo sa'n mang dako.

Sa kahirapan at saya ari mo akong sandalan,

at hindi ka iiwanan dat'nan man ng kalungkutan.

0 comments

Related Posts

See All

Comments


Sponsors

Splenda Square Ads.jpg
Philips Square Ads.jpg
Philadelphia  Square Ads.jpg
Meat Republik 300 x 300.png
450 x 120 Leaderboard.png
bottom of page