top of page

Best Man

Writer's picture: Ronjo CayetanoRonjo Cayetano

A poem about acceptance and letting go
A poem about acceptance and letting go

Matagal natin itong pinagplanuhan,

umabot rin ng ilang taon para mapagdesisyunan.


Dumating din sa puntong muntik na kitang sukuan,

subalit pinili kong manatili at hindi ka bitawan.


Nanatili ako sa'yong tabi,

kasamang nagpupuyat gabi-gabi.

Tinatapos lahat ng ating plano,

wala mang kasiguraduhan sa aking pagkapanalo.


Ang layo-layo na nang ating narating,

ngayon pa ba kita susukuan kung kailan pangarap mo'y malapit mo nang abutin.


Handa na akong ibigay sa'yo ang lahat,

kahit na alam kong hindi ito sasapat.


Handa na ang lahat na iyong mga susuotin,

handa na rin akong samahan ka sa dambana para pangarap mo'y abutin.

Handa na akong makita ang tunay na ngiti sa'yong mga labi,

handa na rin akong tanggapin na sa huli hindi ako ang 'yong pinili.


Handa na akong magparaya,

handa na rin akong lumaya.


Ako man ang kasama mo noong nangarap at nagplano ng lahat,

Ako na dati mong kasintahan ay best man mo na lang ngayon na ikinukubli ang sakit at sugat.

0 comments

Related Posts

See All

Comments


Sponsors

Splenda Square Ads.jpg
Philips Square Ads.jpg
Philadelphia  Square Ads.jpg
Meat Republik 300 x 300.png
450 x 120 Leaderboard.png
Young Filipino's best stories written through poetry, flash fictions, and listicles in Young Pilipinas
YoungPilipinas.com
bottom of page