top of page
Writer's pictureNerelyn Fabro

Bayani ng Inakay


Nagrereklamo ang tiyan || humahabi ng musika,

sa hiwaga nitong hirap || umaasang may pag-asa.

Sila ang mga inahin || pag-uwi'y uod ang dala;

makakain ang inakay || ngiti agad na huhulma.


Kumakayod nang magdamag || pawis ma'y magkulay dugo,

'di gumagawa ng mali || 'di sila nagpapatukso.

Sapat na mumunting barya || para pagod ay maglaho;

ngunit sila ri'y nahimlay || katawan na ay sumuko.


Sa langit na ang magulang || kalyo sa palad napawi;

pinagsilbihan ang anak || buhay man nila'y binawi,

ligtas inakay sa hirap || tunay din silang bayani;

walang dudang sa bantayog || dapat sila ri'y maghari!


-- a poem by Nerelyn Fabro

Nerelyn Fabro, 17 taong gulang. Nilalaro ko ang mga salita kapag pinaglalaruan ako ng mundo. Halimaw man ang delubyo, wala itong laban 'pagkat pluma ko'y hindi nagpapatalo!

0 comments

Related Posts

See All

Comments


Sponsors

Splenda Square Ads.jpg
Philips Square Ads.jpg
Philadelphia  Square Ads.jpg
Meat Republik 300 x 300.png
450 x 120 Leaderboard.png
bottom of page