top of page

Batang-bata ka pa - Ang tula ng reyalisasyon

Writer's picture: Nerelyn FabroNerelyn Fabro

Batang-bata ka pa - Ang tula ng reyalisasyon BY Nerelyn Fabro

Ang buhay ay hindi mumunting paraiso‚

hindi puro ginhawa na makukuha ang gusto‚

kaya hangga’t ikaw ay bata‚ makinig sa mga payo‚

ang ekspektasyon mo’y malayo sa reyalidad ng mundo.


Ang buhay ay parang humuhulog na digmaan‚

na kung hindi ka handa‚ asahan na masusugatan.

Kaya’t kailangan may kalasag upang makalaban‚

diploma ba o diskarte? ‘wag nang pagpilian ‘pagkat parehong may kahalagahan.


Mag-aral ka nang mabuti‚ patalasin ang isip‚

magbasa at sumulat upang karunungan ay sumilip. 

Isa ito sa susi upang magtagumpay ka‚

kaya seryosohin ang pag-aaral habang ikaw ay bata pa.


Samahan mo ng diskarte upang hindi ka maging talo‚

kahit mag-isa ka sa buhay‚ ‘di ka aasa sa ibang tao.

Magsipag at magtiyaga upang ika’y may aanihin‚

mahirap man ngunit pagpapatuloy ay piliin.


Imulat ang isipan sa kulay ng buhay‚

ang pagsubok ay hindi biro‚ ito ay tunay‚

ngunit kakailanganin ang dalawang aksyon‚

mag-aral ka habang dumidiskarte at dumiskarte ka habang may edukasyon.

Related Posts

See All

コメント


Sponsors

Splenda Square Ads.jpg
Philips Square Ads.jpg
Philadelphia  Square Ads.jpg
Meat Republik 300 x 300.png
450 x 120 Leaderboard.png
bottom of page