Bantay ng Aking Buhay


Makapal ang ‘yong balahibo‚ kay sarap hawakan‚
puti ang iyong kulay at ika‘y may kaliitan.
Ugali ay mag-abang‚ laging nasa tahanan,
kaya Bantay ang napili kong pangalan.
Kapag ako'y galing sa trabaho‚ pagod ay nawawala‚
tumatalon nang mataas‚ sumasalubong nang may tuwa‚
kung ako’y yakapin mo‚ minsan ay napapahiga‚
at ‘pag ikaw ay humalik‚ nakalabas pati ang dila.
Ikaw ay masaya kahit sa simpleng pagkain‚
hagisan mo ng buto‚ walang palyang sasaluhin.
Kapag nakakikita ng bola‚ lumalaki ang mata‚
hudyat na sa parke ay maglalaro tayong dalawa.
Malakas tumahol sa hindi kilala‚
kaya ako’y ligtas at hindi nangangamba.
Tapat ka rin sa akin at tunay kitang kakampi‚
kaya kahit sa pagtulog, katabi kita sa gabi.
Ngunit isang araw nang ako ay umuwi‚
nawala ang sigla ko‘t hindi makangiti.
‘Pagkat nang tumungo ako sa aming kapitbahay‚
naging pulutan na ang aso kong si Bantay.
Comments