top of page
Writer's pictureYoung Pilipinas

Bangon Kapatid


Bangon Kapatid - Ronjo Cayetano (Young Pilipinas Poetry)
Bangon Kapatid - Ronjo Cayetano (Young Pilipinas Poetry)

Sa panahon ng pandemya,

Sa panahon ng pagsubok at trahedya,

Sa panahon natin ngayon—panahon din ng bagyo't sakuna,

Pilipino lumaban ka.

'Wag mong hayaang manatili kang nakalugmok,

Sa putik at takot—kaibigan wag ka nang mag mukmok,

Tumayo ka para sa iba,

Tumayo ka hindi lang para sa sarili; para rin sa pamilya.


Kapwa Pilipino magtulungan tayo,

Magkapit bisig hilumin natin ang mundo,

Unos sa buhay ay dumarating,

Ulap ma'y magdilim muling magliliwanag din.


Katulad ng pag sikat ng araw,

Bumangon ka kapatid, sindihan mo ang ilaw

Iabot ang 'yong mga kamay,

Tanganan—sama-sama tayong umalalay.

0 comments

Related Posts

See All

תגובות


Sponsors

Splenda Square Ads.jpg
Philips Square Ads.jpg
Philadelphia  Square Ads.jpg
Meat Republik 300 x 300.png
450 x 120 Leaderboard.png
bottom of page