top of page
Writer's pictureNerelyn Fabro

Balita



A flash fiction about bad news
A flash fiction about bad news


Nakauniporme. Payapa kong nilalanghap ang simoy ng hangin. Maaga akong pumasok sa paaralan at sakto, nasa akin ang susi kaya binuksan ko ang aming silid. Nakangiti ako pero bigla rin itong nawala nang tumambad sa akin ang makalat naming classroom — magulo ang mga upuan, gusgusin ang sahig, may naiwan na mga tsinelas at mga plastik ng pagkain. May programa nga pala sa paaralan kahapon kaya ganito.


Nagkusa na akong maglinis mag-isa. Nagwalis. Ang kasunod nito ay ang pagfloorwax ko sa sahig. Nang mangangalahati na ako sa pagpo-floorwax ay biglang dumating ang besprend kong si Joyce — tahimik at sabog ang buhok, hays wala na naman siguro siya sa mood. Hindi man lang siya umimik nang makita ako, bagkus ay tumitig muna siya saglit bago kumuha ng basahan at nagfloorwax na rin.


Ito talagang si Joyce, kapag tinotoyo, hindi mo makakausap kaya nag-isip ako ng paraan para makuha ko ang atensyon niya.

“Joyce, nabalitaan mo na ba ang nangyari kahapon‚” pagbasag ko sa katahimikan.


Wala pa rin siyang imik bagkus ay isang matipid na sulyap lamang sa akin ang tanging tugon niya.


“May tumalon raw na babae sa ikawalong palapag ng building, basag ang mukha at punong-puno ng dugo ang kaniyang katawan. Baliw e noh? Nagpakamatay.” pagpapatuloy ko.


Tumitig muli sa akin si Joyce at malamig ang tinig na lumabas sa kaniyang bibig...

“Ganiyan din ako nagpakamatay kahapon.”

Comments


Sponsors

Splenda Square Ads.jpg
Philips Square Ads.jpg
Philadelphia  Square Ads.jpg
Meat Republik 300 x 300.png
450 x 120 Leaderboard.png
bottom of page