top of page
Writer's pictureRonjo Cayetano

Balangaw Pagkatapos ng Ulan


Balangaw Pagkatapos ng Ulan
Balangaw Pagkatapos ng Ulan

Hindi madali ang buhay,

tila isang karera—takbong walang humpay,

nakapapagod at nakauubos ng lakas,

banaag sa postura't hitsura pagod na kumakatas.


Pagsubok na 'di matapos-tapos—nananalantang unos,

pinahuhuna ang tibay ng sandigan, pundasyo'y inuubos,

nilalamon ng dilim ang kalangitang kay liwanag,

binubulag ang puso at pilit na tinitibag.


Subalit sa bawat bagyo ay palaging may paghupa,

natatapos ang ulan humihintong kusa,

at pagkatapos ng sama ng panahon sisilay ang bahaghari,

wala na ang takot, saya ang mamumutawi.


Gaya ng lirikong "There's a rainbow always after the rain" mula sa awiting

RAINBOW ng South Boarder, na ibig sabihin ay panibagong pag-asa,

na sumusilay ang balangaw pagkatapos ng matinding ulan na tinamasa,

na hindi palaging lungkot, kabigua't pagdurusa ang sa atin ay itinadhana,

ito'y paghahanda sa atin upang maging mas malakas pa na ibabato—kaligayaha't tagumpay ay siyang itatakda.

0 comments

Comments


Sponsors

Splenda Square Ads.jpg
Philips Square Ads.jpg
Philadelphia  Square Ads.jpg
Meat Republik 300 x 300.png
450 x 120 Leaderboard.png
bottom of page