top of page

Bakit mo ako nilinlang? - A flash fiction dedicated to single fathers' sacrifices

Writer's picture: Colin Cris CelestialColin Cris Celestial

Bakit mo Ako Nilinlang? - A flash fiction dedicated to single fathers' sacrifices

Oras na ng hapunan nang matanaw ko ang aking ama na pumasok sa pintuan ng aming munting tahanan. Pawis na pawis at bakás ang pagod sa kaniyang itsura. Ngunit nagawa pa rin niyang ilapag sa hapag kainan nang may ngiti ang isang plastik na may lamang isang medyo mabigat na styrofoam. 


Agad ko itong binuksan at nilantakan. Pero maya-maya ay naramdaman ko ang kaniyang mga mata na nakamasid sa akin. 


Sinilyapan ko siya at bumalik ang mata ko sa tapsilog na aking kinakain. Muli, tinignan ko si papa.


"Pa, gusto mo?" Alok ko sa kaniya.


Mabilis siyang umiling at nagsalita, "hindi anak, nakakain na ako. Sobrang busog pa ako," at humimas sa kaniyang tiyan.


Tumango ako't bumalik ang aking atensyon sa pagkain. Ito ay dahil inaasahan ko na ang kaniyang sagot dahil laging ganito ang kaniyang dahilan sa akin.


Magmula nang iwan kami ng aking ina, walang araw na hindi ako inaalagaan ni papa. Hindi niya nagawang pagbigatan ako ng kamay at lalong hindi ko naranasang magutom dahil sa kaniya. Nagagawa pa niyang pag-aralin ako sa lahat ng nangyari sa buhay namin.


Alam kong napapagod siya pero hindi niya pinapakita sa akin na mahina siya. Nagtitiwala ako sa mga sinasabi niya.


Pero isang araw, paglabas sa paaralan, napadaan ako sa construction site kung saan nakita ko ang aking ama. Hanggang sa matapos ang kanilang trabaho, hinintay ko ang kaniyang pag litera.


Sa hindi inaasahan, pinili kong sundan ang aking ama hanggang sa pagbili na naman ng paborito kong pagkain. Pagod na pagod siya at halatang nanghihina habang hinihintay ang kaniyang binibili. 


Hinihintay ko ang mg susunod na pangyayari at nanlumo nalang ako sa aking nakita. Dahil dito, dali-daling akong umuwi sa aming bahay.


Lumipas ang ilang minuto, dumating si papa at masaya akong sinalubungan ng kaniyang dalang pagkain. 


Tahimik ko itong kinuha at dahan-dahang kumain. 


"Pa, gusto mo?" pagtatanong ko.


At narinig ko na naman ang kaniyang laging sagot.


"Hindi anak, kumain na ako bago ako makauwi dito. Sarap nga ng chicken eh," pagkwento niya.


Tumango lamang ako at seryosong kumain. Tulad lamang ng aking inaasahan, hinintay niya lang ako matapos kumain. 


Maya-maya ay pumasok ako sa kwarto at nagpanggap na tulog nang marinig ang pagbukas ng pinto.


Nang sumara ito ay bumangon agad ako para sumilip sa labas at nakita ko ang tatay kong naglabas ng mga barya. Madali lamang niya ito nabilang at kinuha ang keypad na selpon.

"Ben, mautang muli ako 50 pesos. Para may baon anak ko bukas. Bayaran rin kita bukas hapon pagkasweldo sa site."


Nang ibaba niya ang selpon, tumulo nalang ang aking mga luha nang ilabas niya ang isang plastik na may lamang isang pirasong tinapay at simawsaw niya sa toyo na may mantika.

Ang tinapay na nakita kong binili niya bago umuwi dito sa bahay.

Related Posts

See All

Comments


Sponsors

Splenda Square Ads.jpg
Philips Square Ads.jpg
Philadelphia  Square Ads.jpg
Meat Republik 300 x 300.png
450 x 120 Leaderboard.png
bottom of page