top of page
  • Writer's pictureNerelyn Fabro

Bakit Maniniwala?



YoungPilipinas.com Filipino Flash Fiction - Young Pilipinas

"Ito nga pala si Jake, kaibigan ko." Wika ni Mike habang pinakikilala ang kasama niya—matangkad, maputi, nakasuot ng maong at puting t-shirt. Bumisita sila rito sa bahay upang mag-aral at makiconnect sa wifi.


"Nakakikita siya ng multo, may third eye siya, yari ka Rex. HAHAHA." Patawa pa nitong saad sa akin, si Jake naman ay nanatiling seryoso ang mukha.


"Talaga ba? Sorry ka, hindi talaga ako naniniwala sa ganiyan." Tugon ko naman pabalik kay Mike.


"Paano kung sabihin ko sa 'yong may nakatitig sa 'yong multo ngayon?" Nagsalita si Jake sa unang pagkakataon.


"Kung tunay nga ang multo, maaari mo ba siyang kausapin na hawakan niya ako sa balikat? HAHAHA." Halakhak ko nang malakas 'pagkat 'di talaga ako kumbinsido sa usapang multo.


Nakatitig lamang sa akin si Jake. Nakatitig si Jake. Nakatitig si Jake. Nakatitig si Jake. At hinawakan niya ang balikat ko.


"Ngayon, naniniwala ka na?"

1 comment

1 Comment


Unknown member
May 28, 2021

GANDA🤤💛

Like

Sponsors

Splenda Square Ads.jpg
Philips Square Ads.jpg
Philadelphia  Square Ads.jpg
Meat Republik 300 x 300.png
450 x 120 Leaderboard.png
bottom of page