Baitangang Tapak ng Dustâ
Pasan-pasan yaong napakabigat na talampakan ng dustâ,
na wari'y dambuhalang 'di katakot-takot, 'di taong bahagdan,
'di na iri makakiwal—makapalag,
parang may kalawanging tanikalâng 'di magalaw.
Tikís iring pagtindig-pasulong,
pagtapak sa pagkatao'y kasinkí ng kubang inapi ng lipunan,
pang-aalipusta'y ginagapi ng laksá-laksáng ulupóng,
para mapawálang-bahala ang kaawa-awang gumigibík.
Abusadong 'di makataong kapwa sa yaring lipunan,
sa ka-isang uri'y tila halimaw kung mangdustâ,
pero oras na para ang pusikit na lunggati nila'y 'di hahayaang manaig,
ililigtas natin ang kapwang tinapakan ng mga alipusta!
-- a poem by Colin Cris Celestial
Colin Cris Celestial is an 18-year old writer from Talipan, Pagbilao, Quezon Province.
Comments