top of page
  • Writer's pictureColin Cris Celestial

Bagong Ikaw


Inilibot ko ang aking paningin sa'yo na mala-labanos sa kaputian. Nanuot sa 'king pang-amoy ang 'yong napakabangong aroma. Gustong-gusto ko na ika'y aking hinahawakan dahil ibang saya ang naidudulot mo sa aking sistema.

Pero sa una lang pala, kung kelan inakala kong masaya kang kapiling. Gayunpama'y pinilit kong ilaban ang pagkagusto sa'yo, nagpursigi akong makamit ang kahalagahan mo pero unti-unti mo akong nasisira kaya umusbong sa 'king kalooban ang silakbó.


Sa wakas, ipinaubaya kita sa aking magulang para ilayo kana sa akin. Subalit bumalik sila kasama ang bagong ikaw.


"Anak, ipapasa daw 'tong bagong module sa isang Lunes."


— Colin Cris Celestial

Colin Cris Celestial is an 18-year old writer from Talipan, Pagbilao, Quezon Province.

0 comments

Sponsors

Splenda Square Ads.jpg
Philips Square Ads.jpg
Philadelphia  Square Ads.jpg
Meat Republik 300 x 300.png
450 x 120 Leaderboard.png
Young Filipino's best stories written through poetry, flash fictions, and listicles in Young Pilipinas
YoungPilipinas.com
bottom of page