Bago Ang Pasko
"Nay, Oktobre pa lang po ngayon 'di ba? Bakit kailangan po nating magdiwang ng pasko nang mas maaga?" takang tanong ko kay inay. Iniisip ko kasi na baka nag-uulyanin na siya sa katandaan.
"Billy anak, hindi natin hawak ang panahon. Walang makapagsasabi ng kung ano ang puwedeng mangyari bukas. Mas maigi na ang mas maaga," sagot ni inay sa akin na lalo kong ipinagtaka.
Kinabukasan paggising ko ay may isang regalo at sulat na nakapatong sa aking kama. Kaagad akong bumangon at binasa ang sulat na nakapatong sa regalo.
"Merry Christmas anak. Ito ang regalo sa'yo ni nanay ha, pagpasensyahan mo na kung napaaga. Kung magising ka man 'nak na wala ako, 'wag mo na akong hanapin ha. Mahirap ang iwan ka anak, pero mas mahihirapan akong makita kang mahihirapan sa pag-aalaga sa akin. May cancer si nanay nak, may taning na ang buhay ni nanay. Patawad anak, mahal na mahal kita."
Pagkabasa ko sa sulat ay kaagad akong lumabas at hinanap si inay habang walang tigil sa pagpatak ang aking mga luha.
Sa kalagitnaan ng aking paghahanap ay may natanawan akong nag-uumpukang mga tao sa tabi ng ilog. Kaya kaagad ko itong tinungo sa pagbabakasakaling isa si inay sa mga nag-uumpukang tao roon.
"Hindi ba si Aling Cora iyan? Yung nanay ni Billy na kapit bahay natin? Kawawang bata, maagang naulila, magpapasko pa naman."
...
Young Pilipinas Flash Fiction
תגובות