Babangon ang Bawat Magsasaka
Noo'y tila isang anino sa lipunan
Hindi napapansin sektor sa kanayunan
Silang mga maghapong nakayuko sa initan.
Naisasawalang bahala at hindi napahahalagahan,
Dugo at pawis nilang ipinupuhunan.
Walang nakakakita sa kanilang kahalagahan,
Na sila ang dahilan kung bakit may laman ang tiyan.
Na sa bawat magandang ani sa 'ting sakahan,
At pagtaas ng produksyon sa taniman,
Dulot ay pag-unlad ng ekonomiya na sagot sa kahirapan.
Ngayo'y mababago na ang nakaraan
Makaaahon na tayo sa putikan
May kasangga na para sa kaunlaran.
Mayroon nang kakampi at makakapitan,
Silang mga magsasaka ng ating bayan.
Pag-unlad ng isa ay pag-unlad ng lahat,
Walang maiiwan—samasa-samang aangat
Lakas ng isa, lakas din ng bansa.
Wala nang magugutum biyaya'y dadagsa,
Babangon tayo! Babangon ang bawat magsasaka.
...
A Young Pilipinas Poem
Opmerkingen