top of page
Writer's pictureRonjo Cayetano

Anghel ng Kalikasan



A poem depicting wild life extinction
A poem depicting wild life extinction

Yaman ng kagubatan ay unti-unti nang nauubos,

santuwaryo ng mga hayop ay inaaring maglutos,

kalayaang magparami ay patuloy na ginagapos,

barubal na pag-iisip ng tao kailan matatapos?


Mga buhay sa kakahuyan pati sa kabundukan,

mayroong malaking bahagi — sa sanlibutan ay may kaganapan,

tagapagbalanse ng ekosistema na sa atin ay kabuhayan,

silang mga anghel na bigay ng kalikasan.


Sagipin at pagyabungin, pahintuin ang pagkalipol,

tiraha'y pagyamanin para sa bagong henerasyong sisibol,

nang abutin ang mundo sa natural nitong ganda,

kapaligirang mayaman, matatag at sagana abutin man ng dekada.

Isalba ang mga nalalabi at kaawa-awang angkan,

pangalagaan ang handog sa ating kayamanan,

huwag maging dahilan sa pagkaubos ng kalipunan,

na tagapangalaga at tagapagpanitili ng ganda nitong kapaligiran.


0 comments

Related Posts

See All

Comments


Sponsors

Splenda Square Ads.jpg
Philips Square Ads.jpg
Philadelphia  Square Ads.jpg
Meat Republik 300 x 300.png
450 x 120 Leaderboard.png
bottom of page