top of page

Anghang

Writer's picture: Nerelyn FabroNerelyn Fabro

A flash fiction about a grandmother and grandson
A flash fiction about a grandmother and grandson

Tuloy-tuloy ang pagtunog ng kutsara at tinidor sa plato. Tutok na tutok kasi siya sa kaniyang pinanonood na ‘cartoon’ kaya hindi na niya pinapansin ang kaniyang nginunguya.


Susuntok na sana ang bidang karakter ngunit bigla siyang napasigaw.


“Ang anghang!” bigla siyang napatayo dahil aksidente niyang nakagat ang sili sa ulam niya. Tila naghahabol siya ng hininga‚ nilalabas niya ang kaniyang dila — sobrang anghang.


Bumibilis ang pagtunog ng kaniyang yabag. Tumungo siya sa kusina ngunit wala palang tubig ang pitsel. Naluluha na siya sa sili.


“Apo‚ ano'ng nangyayari sa iyo?” ang pag-aalalang tanong ng lola niya habang nakaupo sa ‘wheel chair.’


Walang tugon na narinig mula sa kaniya bagkus ay ipinakita na lamang niya sa kaniyang lola ang pagpaypay ng kamay sa bibig — senyales na maanghang talaga.


“Ay naku! Oh ito‚ apo‚ inumin mo na itong tubig!”


Hindi na siya nagdalawang-isip pa‚ ininom niya ito kaagad. At sa paghagod ng tubig sa kaniyang lalamunan ay parang nabunutan siya ng tinik. Hay salamat‚ nakaraos din siya.


“Salamat po‚ lola‚” ang pasasalamat niya.


“Walang anuman‚ apo. Osiya‚ maghanap ka na ng tubig na ipampapalit sa ininom mo. Paglalagyan ko kasi ulit ng pustiso ko mamaya.”

Comments


Sponsors

Splenda Square Ads.jpg
Philips Square Ads.jpg
Philadelphia  Square Ads.jpg
Meat Republik 300 x 300.png
450 x 120 Leaderboard.png
bottom of page