Angela; Buhay Ko!
Ako'y talipantas; umibig sa anghel,
Mula ka sa taas; bumaba sa lebel,
Ika'y walang pili; dumildil sa asin,
Sarili'y in'akma; hirap may danasin.
Noon ako'y salot; walang paroonan,
Sinagip mo ako; at 'yong tinanganan,
Pariwarang landas; sa droga'y iniwas,
Tinanggap nang buo; magkaibang landas.
Kutsaritang ginto; 'yong sinakripisyo,
Madungis mong kamay; gamit na panubo,
Higaang malambot; nando'n sa palasyo,
Tiniis ang tigas; lamig ng simento.
Salamat Anghela; sa'yong pagmamahal,
Hiling ko sa Dakila; walang pagpapagal,
Masaganang buhay; tsaka kalusugan,
Ilayo sa unos; at kabaluktutan.
Pangako ko sinta; ako'y aagapay,
'Di ka iiwan; sayo'y aantabay,
Ika'y 'sang prinsesa; ilaw at liwanag,
Iingatang lubos; hindi papatinag.
--By _JaiJai
Ronjo Cayetano, 25 years old, from the province of Oriental Mindoro. He started writing poems when he was paralyzed and considers this hobby as a medication for his soul; to overcome depression.
Comentarios