top of page
Writer's pictureNerelyn Fabro

Ang Tula para sa Pagbabago


Ang Tula para sa Pagbabago by Nerelyn Fabro
A poem about jurassic parenting

Matulog ka sa tanghali at huwag munang maglaro‚

ikaw ay tatangkad kung susunod nang matino. 

Huwag nang subukang umalis at dahan-dahang tumakas‚

dahil binabalak mo pa lang‚ nakahanda na ang tsinelas.


Kung may kasalanan kang nagawa‚ lumuhod ka sa munggo‚

samahan mo ng dasal hanggang abutin ng ala singko.

Mangako kang ang kasalanan ay ‘di mo na uulitin‚

dahil kung ika’y susuway‚ mas malala ang sasapitin.


Huwag kang gumala sa malayo‚ dahil susunduin ka ng ‘yong ina‚

at kung mamalasin ka’y mapapalo ng kung anong madampot niya.

May sermon pa sa bahay at huwag ka nang sumagot‚

dahil kapag narinig ang ‘yong bulong‚ tiyak na malalagot.


Ngunit kung gagawin ang dating nakagawian‚

hindi na uubra ngayong kasalukuyan

‘pagkat sensitibo na ang puso ng mga bata‚

at hindi na tulad ng dati na disiplina’y malaya.


Kaysarap balikan panahon ni lolo at lola‚

makalumang paraaan ng paggabay at disiplina‚

lalaking may galang at mabuting kalooban‚

dahil ngayon ay nagbago at nakaraan ay ‘di na mabalikan.

Comments


Sponsors

Splenda Square Ads.jpg
Philips Square Ads.jpg
Philadelphia  Square Ads.jpg
Meat Republik 300 x 300.png
450 x 120 Leaderboard.png
bottom of page