top of page
Writer's pictureRonjo Cayetano

Ang Tula Para sa mga Pinanghihinaan


Ang Tula Para sa mga Pinanghihinaan

Tila bagang kay hirap mangarap nang matayog,

dama ang bawat bigat na pumapaimbulog,

asahan ano mang oras maaaring mahulog,

lalo kung kakapitan ay sangang binubukbok.


Kumpiyansa'y aanhin kung takot na sumubok?

Tiwala'y pairalin, paandarin ang tuktok,

mag-aral nang mahusay huwag kang mababagot,

lamang ang mayro'ng alam huwag kang matatakot.


Madali ngang masungkit bungang pinagpaguran,

hindi ka maliligaw sa iyong karunungan,

dagok man ay harapin t'yaga ang kailangan,

walang 'di kakayanin, sumubok at lumaban.


Magkakaro'ng liwanag kadiliman ng mundo,

may araw ring sisikat pagkatapos ng bagyo,

sarili'y kilalanin kapitan ang talino,

isa puso ang aral—tiwala hanggang dulo.

Related Posts

See All

Comments


Sponsors

Splenda Square Ads.jpg
Philips Square Ads.jpg
Philadelphia  Square Ads.jpg
Meat Republik 300 x 300.png
450 x 120 Leaderboard.png
bottom of page