top of page

Ang Tula Para sa Bagong Henerasyon

Writer's picture: Ronjo CayetanoRonjo Cayetano

Ang Tula Para sa Bagong Henerasyon
A poem about Jurassic Parenting

Halika't ating limiin makalumang disiplina,

kung iisipin ay brutal 'pagkat may palo sa t'wina,

subalit 'di nawawala pangaral ni ama't ina,

istriktong maituturing sa kabutihan ang punta.


Kapag mayroong bisita huwag kang pakalat-kalat,

mamaya pag-alis nila patpat sa puwet ang lalapat,

aral na 'di maging bastos paggalang ang nararapat,

pumirmi sa isang tabi at tatawagin kung dapat.


Mayaman sa kasabihan na mayroong mga leksyon,

ang “makuha ka sa tingin” hanggang ngayo'y aking baon,

takot sa aking magulang—pinalaking may hinahon,

sagana sa bawat turo alaala ng kahapon.


Ipinagmamalaki ko na ganiyan kami lumaki,

'di sunod sa mga luho— ulo ay 'di rin malaki,

disiplinado't may galang hindi isinasantabi,

kapulutan nawang aral henerasyong hahalili.


Related Posts

See All

留言


Sponsors

Splenda Square Ads.jpg
Philips Square Ads.jpg
Philadelphia  Square Ads.jpg
Meat Republik 300 x 300.png
450 x 120 Leaderboard.png
bottom of page