top of page
Writer's pictureRonjo Cayetano

Ang Tula ng Pag-ibig sa Kahapon, Bukas at sa Hinaharap


Ang Tula ng Pag-ibig sa Kahapon, Bukas at sa Hinaharap


Sa pagbungad ng umaga naalala kita

kung paanong sumisilay ang ngiti at liwanag ng 'yong mukha,

sa katanghaliang tapat kung paanong gutom ang pusong maipadama,

ang pag-ibig na inadya ng tadhana.


Naalala kita sa tuwing papalubog na ang araw,

kung paanong ayaw ko pang matapos ang sandaling kapiling ka,

tila ba hinahabol ang bilis nang takatak ng orasan,

na gano'n na lang din kasabik na muli kang masilayan kinabukasan.


At sa pagkagat ng dilim, sa mga bituin

naalala ko ang ningning ng 'yong mga mata,

sa bawat pangarap na sabay nating inaabot sinta,

sa liwanag ng buwan kung paanong gusto kitang bantayan sa'yong mahimbing na pag-idlip,

naalala kita sa katahimikan ng sandali sapagkat ikaw ang ingay sa aking mundo na gusto kong manatili.


Ipinapaala ng bawat sandali ang hiwaga ng pag-ibig,

sa dalampasigan habang pinagigitnaan natin ang apoy na mas lalong nagpapainit ng damdamin,

ipinapaala ng karagatan ang hiwaga ng pag-ibig,

malalim at malawak tulad nang aking nadama ang pagmamahal na busilak.

0 comments

Comments


Sponsors

Splenda Square Ads.jpg
Philips Square Ads.jpg
Philadelphia  Square Ads.jpg
Meat Republik 300 x 300.png
450 x 120 Leaderboard.png
bottom of page