Ang Tula ng Isang Haraya
Makináng na gargantilya't porselas,
Animo'y nakapulupot na ahas sa 'king katawan.
Ngunit kalauna'y labis na nakakasakal,
pagka't hinaharangan ang daluyan ng dugo sa katawan.
Gabundok na pilak ng mga salapi,
na sa sobrang silaw ay siyang makakapanalamin.
Sa repleksyon ay may malawak na ngiti
subalit unti-unting naglalagasan ang mga ngipin.
Angking isipa'y malaya na parang ibon
walang sawang nangangarap ng pag-ahon,
matinding nananalanging maabot ang inaasam-asam.
Subalit' sang ambisyo'y niyapós ng kasakiman.
Tulad lamang ng natuyong tinta
Anumang hangari'y hindi mamarka
Kapares ang panulat na walang balahibo
Sa tuwina'y walang hiwagang sisibol.
Kommentare