top of page
Writer's pictureColin Cris Celestial

Ang Pilit Inaayawan



A poem about the importance of the rainy season to farmers.
A poem about the importance of the rainy season to farmers.


Sa pagsapit ng panibagong Buwan,

samu't saring talak ang umaalingawngaw

Animo'y parang may piilit pinag-aagawan,

subalit ibig pala ang kabaliktaran


Buwan ng Hunyo na ang sumapit

Inaasahan na ang maulang panahon

ngunit para sa iba ito ay isang hagupit

Na tila pumipigil sa kanilang pagbangon


Para bang nakapipinsala kung ilarawan,

ang bawat patak na masagana

wari'y walang kaginhawahan

na para bang inalisan ng pag-asa

Subalit ang ganitong panahon ay 'di kamalasan

para sa mga magsasakang matagal nang naghihintay

ng masagang daloy ng katubigan

para sa mga pananim na lubos na nanamlay


Ang pinagkukunang lakas ng katawan

nagmumula sa pinaghirapan ng mga magsasaka

hindi lang araw ang sangkap ng pagpapayabong

kundi pati rin ang tubig-ulan sa pagsulong

0 comments

Comentários


Sponsors

Splenda Square Ads.jpg
Philips Square Ads.jpg
Philadelphia  Square Ads.jpg
Meat Republik 300 x 300.png
450 x 120 Leaderboard.png
bottom of page