Ang Pangalawang Magulang
Ina sa sariling tahanan,
Hanggang sa silid-aralan,
Nakakabilib dahil 'di nila tinatakasan,
Ang kanilang responsibilidad kahit saan.
Gigising nang maaga upang mag-asikaso,
Gagawin ang gawaing bahay bago i-sarado,
Ang pintuan ng tahanan upang tahakin naman,
Ang pintuan ng silid-paaralan na siya namang bubuksan.
Turo dito, turo doon!
Sila'y sumasabak sa anumang hamon!
Maipabatid lang nila ang mga impormasyon,
Upang ang kabataan ay maging pag-asa sa darating na panahon.
Hahamakin ang lahat upang magsilbi,
Bilang magulang sa mga mag-aaral kahit gabi,
Matulungan lang silang maabot ang parangarap,
Para maging maunlad sa hinaharap.
Hindi matutumbasan ng anumang salapi,
Ang mga oras at sakripisyo na kanilang nilalabi,
Para maging pangalawang magulang ng mga mag-aaral,
Kaya salamat sa mga guro na kabataa'y patuloy na minamahal.
...
Young Pilipinas Poetry
Commentaires