top of page
Writer's pictureRonjo Cayetano

Ang Munting Pangarap


Ang Munting Pangarap - A Flash Fiction by Ronjo Cayetano
A fiction about passion and practicality

Matalik na magkaibigan sina Benedicto at Isaiah. Simula pagkabata palang, halos hindi na sila mapaghiwalay. Madalas pareho sila ng hilig lalo na ‘sports’ at mga panuorin. Subalit sa kabila nito, magkaiba sila ng pangarap sa buhay.


Tumandang halos lahat ng yaman ay mayroon si Benedicto. Samantalang si Isaiah, ay mayroon lamang normal na pamumuhay. Praktikalidad ang pinanghahawakan ni Benedicto. Samantalang si Isaiah ay ang kaniyang ‘passion’ ang pagsusulat.


Lahat ng raket ay pinatos na ni Benedicto para lamang sa mas lalo pa niyang ikakayaman. Ang kaniyang kaibigan naman ay wala ng kahit ano, maliban sa isang libro.


“Ano ba ’yan pre, wala ka na bang ibang pangarap sa buhay? Pakakainin ka ba ng pagsusulat mong 'yan?” umit ng kaibigan.


Hindi na nagawang sumagot pa ni Isiah, tanging tungo na lang ang naging tugon.

Habang nanunuod ng television si Benedicto, pumukaw sa kaniyang pansin ang ngalan na binanggit ng ‘host’ sa isang programa.


“Ngayon, palakpakan natin ang tao sa likod ng sikat na librong ‘Ang Munting Pangarap’ na kung saan ay humakot ng iba't ibang parangal sa maraming bansa at nagkaroon din ng ilang pagsasalin ng wika. Asiah Magpamulat!”


Nag-unahan ang mga luha ni Benedicto nang makita ang kaniyang kaibigan.


“Patawad pre, minaliit kita,” bulong ni Benedicto habang hinihimas ang rehas na bakal kung saan siya naroroon.

...

Ang Munting Pangarap - A Flash Fiction by Ronjo Cayetano

Related Posts

See All

Comments


Sponsors

Splenda Square Ads.jpg
Philips Square Ads.jpg
Philadelphia  Square Ads.jpg
Meat Republik 300 x 300.png
450 x 120 Leaderboard.png
bottom of page