top of page

Ang Misteryong Kasalanan

Writer's picture: Nerelyn FabroNerelyn Fabro

Young Pilipinas Flash Fiction - Ang Misteryong Kasalanan
Young Pilipinas Flash Fiction - Ang Misteryong Kasalanan


May tahimik na dumaan sa likod ng pintuan ng mayaman na pamilya. Isang lalaking lasing at walang kasuotan pang-itaas. May dala itong matalim na kutsilyo at gegewang-gewang na naglalakad. Nahihilo.

Tumungo ito sa silid nina Gayle at ng mommy niya. Maingay na ang kulisap. Gabi at nagpapaantok ang mag-ina habang nanonood ng palabas sa telebisyon. Nakahiga sa sofa. Ngunit nabigla sila sa ingay na ginawa ng pinto‚ bumungad sa kanila ang lalaki.

“Mommy!” napasigaw ang dalaga nang malakas dahil mabilis na hinawakan ng lalaki sa leeg ang mommy ni Gayle.

Pinagsasaksak ito. Inuna ang leeg — hiniwa. Dugo. Puro dugo. Nalaglag ang ulo sa tiles na sahig at tumawa ang lalaki na parang nababaliw. Hindi pa siya nakontento. Sinaksak niya rin ang tagiliran ng ina habang nakahandusay ang katawan nito sa sofa. Nanggigigil ding sinaksak ang tiyan — lumabas ang bituka at ilang mga laman-loob. Isa pang saksak sa dibdib. Dalawa sa bandang hita. Ang kutsilyo‚ ang sofa‚ ang sahig‚ ang lalaki at ang mommy ni Gayle ay naliligo na sa dugo. Maraming dugo.


“Tama na! Maawa ka!” Hindi pa sana titigil ang lalaki sa pagsaksak nang marinig niya ang malakas na sigaw ni Gayle na nagtatago sa malaking flower vase. Kanina pa siya hindi makagalaw sa sobrang takot. Nakita niya ang lahat ng kaganapan. Nanginginig ang katawan. At nang lumingon ang lalaki sa kaniyang kinaroroonan‚ sa huling beses ay sinilayan niya muna ang pugot na ulo ng mommy niya na nakalapag sa sahig bago tumakbo sa isang kwarto. Ni-lock ang pinto.


“At gano’n po ang nangyari.” ang huling linya ni Gayle sa pagpapaliwanag sa lahat ng naganap na krimen. Nakinig ang lahat ng nasa korte.


Sa isang bahagi ng silid ay nakayuko roon ang matangkad na lalaking tinutukoy na salarin. Mabilis itong hinatak ng pulis habang ito ay nakaposas at inihahanda na para bayaran ang kasalanan — bitay.

Sa isang kisapmata‚ mapuputol na ang kanilang pagmamahalan. At sa huling saglit‚ nagtititigan sila sa isa't isa‚ binibigkas ang ”paalam.“


“Mabuti sinunod mo ang utos ko‚ ’di na ako makukulong.” Ngumiti sa tagumpay ang ama ni Gayle.

Comments


Sponsors

Splenda Square Ads.jpg
Philips Square Ads.jpg
Philadelphia  Square Ads.jpg
Meat Republik 300 x 300.png
450 x 120 Leaderboard.png
bottom of page