top of page
  • Writer's pictureNeil Gregori Garen

Ang Mga Simpleng Pangarap



YoungPilipinas.com Poetry Tula Neil Gregori Garen
Ang Mga Simpleng Pangarap by Neil Gregori Garen

Hindi ko hinahangad ang mataas na alapaap

Nais ko lang matupad ang mga simple kong pangarap

Pangarap at mga plano para sa aking pamilya

Tutuparin upang makita ang mga ngiti sa kanilang mata


Sa pag-abot ng aking mga plano sa buhay

May mga pagkakataon na ako ay naging matamlay

Ramdam ang maraming 'di mapaliwanag na takot

Na parang wala ni isang pangarap na maaabot


Maraming bumitaw sa mga taong inaasahan ko

Sa bawat hakbang may paisa-isang sumusuko

Mayroon naman na nag-iiba na ng tinatahas

Upang sundan din ang kanilang sariling landas


Maraming tao ang darating at lalayo

Marami ring pagkakataon na hindi para sayo

Mga ito ay natutunan ko sa aking pagtahak

Masakit tanggapin, hayaan ang luhang pumatak


Simpleng pangarap ay nagiging mahirap at kumplikado

Buo man ang loob tuparin, ngunit ang isip ang gumugulo

Kaya dasal ko na sana ay nasa tama ang aking mithiin

Bawat hakbang sa daan ay bahagi ng aking dalangin



0 comments

Comentários


Sponsors

Splenda Square Ads.jpg
Philips Square Ads.jpg
Philadelphia  Square Ads.jpg
Meat Republik 300 x 300.png
450 x 120 Leaderboard.png
bottom of page