Ang Magsasaka
Isang kahig isang tuka
kaliwa't kanan ang sinasaka,
ganiyan ang buhay ng dukha
pawis ay banaag sa katawa't mukha.
Para sa pangarap
titiisin ang hirap,
hindi bale nang marumihan
makaahon lang sa kahirapan.
Gintong butil sila ang nagtatanim
maghapon sa bukirin kahit abutin ng silim,
hindi alintana ang pagod kahit maghapong nakayukod
patuloy sa pagbungkal—patuloy sa pagkayod.
Ganiyan ang mga magsasaka, simple at mahirap
karangyaan sa buhay suntok sa buwan bago malasap,
habang ang ilang nasa taas ay nabubuhay ng masarap
sila'y nagsasakripisyo para sa magandang hinaharap.
Huwag sanang pagsamantalahan silang mga may hawak na pananim
presyo ng palay huwag ibaba nang mas mataas pa sa bigas nating pangkain,
sakripisyo nila'y buhay para sa ikinabubuhay natin,
pagod nila para sa mabuting mithiin bigyan ng katarungan—huwag nating sayangin.
...
Young Pilipinas Poetry
Opmerkingen