top of page
Writer's pictureNerelyn Fabro

Ang Luho ni Princess


Young Pilipinas Flash Fiction - A flash fiction about a father who works hard
A flash fiction about a father who works hard

Mahirap lamang sila. Ngunit maluho ang anak niyang si Princess. Gayunpaman‚ gustong-gusto ni Sebastian na palaging masaya ang kaniyang anak. Kaya ginagawa niya ang lahat upang mapasaya ito.

Nagtatrabaho siya bilang construction worker at kumikita ng 500 pesos kada araw. Sapat lamang para mayroon silang pangbili ng kanin at ulam.

“Papa‚ gusto ko bilhan mo ako ng iPhone 14. Uso kasi ’yun sa school namin e. At saka‚ may ganoon ang mga kaklase ko.” masungit na sabi ng anak.


Kapag hindi nasunod ang gusto ni Princess ay nagdadabog ito at magkukulong sa kuwarto buong maghapon at hindi kumakain.


“Ngunit anak‚ kulang ang kinikita ni papa. May selpon ka pa naman at hindi pa ’yan sira.” malungkot na wika ni Sebastian at sumimangot lamang ang anak bilang tugon.


Ngunit sa kagustuhan pa rin ng ama na matupad ang hiling ay gagawa at gagawa siya ng paraan. Lumiban muna siya sa pagtatrabaho at naghanap ng mabilis na pagkakitaan.


At hindi niya naman nabigo ang hiling ni Princess.


“Tenk yu‚ papa! Yur da best dad in the world.”


Ito ang nakasulat sa papel na nakuha ni Sebastian sa kaniyang bulsa habang siya ay nasa loob na ng kulungan. Buti na lang‚ mayaman ’yung nanakawan niya ng pera.


...

Ang Luho ni Princess - Young Pilipinas Flash Fiction

Written by Nerelyn Fabro

A flash fiction about a father who works hard


Comments


Sponsors

Splenda Square Ads.jpg
Philips Square Ads.jpg
Philadelphia  Square Ads.jpg
Meat Republik 300 x 300.png
450 x 120 Leaderboard.png
bottom of page