top of page
Writer's pictureNerelyn Fabro

Ang Lihim ni Ate


A poem about hiding secrets
A poem about hiding secrets

Sadyang kayliit ng ‘yong palad nang una kong makita,

nang marinig ko ang ‘yong pag-iyak, labis akong natuwa.

Bunso, tawagin mo akong “ate” bilang nakatatanda,

palagi ka rito sa aking tabi, ‘wag kang mawawala.

Suotin mo ‘tong sapatos na binili ko’t pinaghirapan,

Sabay tayong magbasa’t magsulat doon sa paaralan.

Kapag mayroong nang-away sa’yo, tawagin mo lamang si ate,

ang saktan ka ng iba’t paiyakin ay hindi pupuwede.

Kung ika’y nahihirapan sa buhay, sa akin lamang magsabi,

patatahanin kita’t pakakalmahin ‘pag ‘di ka mapakali.

Magkuwento ka ng nararamdaman mo at makikinig ako,

ako ang magsisilbi mong tainga sa magulong mundo.

Ako ang bibili sa’yo ng pagkain at magandang damit,

ako na rin ang mag-aalaga sa’yo kapag nagkasakit.

Saksi man ako sa iyong paglaki ngunit sana ay huwag mong malalaman,

sa t'wing naririnig ko ang boses mo, palihim akong nasasaktan.

Bunso, tawagin mo akong "ate" bilang nakatatanda,

ako man ang tunay mong ina, 'di ko na ipaaalam, baka tignan mo ako nang masama, ililihim ko na lamang, 'wag ka lang mawawala.

---

Young Pilipinas Poetry

0 comments

Comments


Sponsors

Splenda Square Ads.jpg
Philips Square Ads.jpg
Philadelphia  Square Ads.jpg
Meat Republik 300 x 300.png
450 x 120 Leaderboard.png
bottom of page