top of page

Ang kuwento ng mayaman kong ama

Writer: Nerelyn FabroNerelyn Fabro


Mayaman ang daddy ko. Kaya kahit anong hilingin ko sa kaniya‚ naibibigay niya nang walang pag-aalinlangan. Naiinggit nga sa akin ang mga kaklase ko dahil kahit wala na akong mommy‚ nakukuha ko pa rin ang aking mga luho.


 “Daddy‚ I want to buy new shoes‚ please.” ang malambing kong sabi sa kaniya habang siya’y nakaupo sa aming sofa. 


 “Yes‚ of course.” ang wika niya nang walang pagdadalawang isip. Inilabas niya agad ang wallet niyang punong-puno ng maraming pera.


Napakasaya ko. Sobrang saya. Nakakapag-jollibee ako sa umaga‚ kung gugustuhin kong mag-Mcdo sa aking hapunan‚ nagagawa ko rin. Naalala ko rin nga noong binigyan ako ni daddy ng mamahaling iPhone‚ halos abot langit na ang ngiti sa aking mukha. Hindi siya tulad ng iba na pabaya at walang pakialam.


“Babe‚ ano ba. Sino bang pipiliin mo sa aming dalawa? Alam kong ‘di ako mayaman pero mahal na mahal kita.” ang pagmamakaawa sa akin ng aking boyfriend at tila ba ano mang oras ay iiyak na siya.


Ngunit buo na ang desisyon ko‚ hindi na magbabago kahit ano pang pagmamakaawa ang gawin niya.


“Sorry‚ ikakasal na kami ng sugar daddy ko.” ang huli kong sabi habang pinakikita ang mamahaling singsing sa aking daliri.

 
 

Comments


Sponsors

Splenda Square Ads.jpg
Philips Square Ads.jpg
Philadelphia  Square Ads.jpg
Meat Republik 300 x 300.png
450 x 120 Leaderboard.png
Young Filipino's best stories written through poetry, flash fictions, and listicles in Young Pilipinas
YoungPilipinas.com
bottom of page