top of page

Ang Buhay OFW

Writer's picture: Colin Cris CelestialColin Cris Celestial

A poetry that depicts life of Overseas Filipino Workers
A poetry that depicts life of Overseas Filipino Workers

Hindi na magawang tapunan ng tingin,

Ang mga bituin at alapaap,

'Di narin madama ang saya sa tuwing dumadampi ang malamig na hangin,

Sa katawang pagod na sa trabahong napakahirap.


Ngunit nagagawang magtiis upang magkapagbigay,

Ng magandang buhay o kinabukasan,

Sa pamilyang naiwan na naghihintay,

Ng pagbabago sa kanilang hirap na nararanasan.


Nilalakasan ang loob kahit nahihirapan,

Sa pagsasakripisyo upang matamo ang pangarap,

Na kaginhawaan na inaasahan,

Para makabalik at pamilya'y mayakap.


Masayang makasama ang minamahal sa buhay,

Ngunit masakit makitang naghihirap ang pamilya,

Kung kaya't gagawin ang lahat kahit tawarin ang tulay,

Patungo sa ibang bansang makakapagsweldo ng 'di lang barya.


Mahirap, nakakalumbay, at nakakabagot,

Hindi ganitong karanasan ang nais matamo,

Subalit hahamakin ang lahat dahil ito rin ay isang sagot,

Sa kahirapang dinadanas ng pamilyang nanlulumo.


...

Young Pilipinas Poetry

0 comments

Related Posts

See All

Comentarios


Sponsors

Splenda Square Ads.jpg
Philips Square Ads.jpg
Philadelphia  Square Ads.jpg
Meat Republik 300 x 300.png
450 x 120 Leaderboard.png
bottom of page