top of page

Ang Buhay Estudyante

Writer's picture: Colin Cris CelestialColin Cris Celestial

A flash fiction that portrays life of a student before pandemic.
A flash fiction that portrays life of a student before pandemic.

Napasimangot si Jenna nang wala sa oras matapos tumama sa kaniyang mukha ang bolang papel. Kakapasok palang niya sa pintuan subalit ganiyon agad ang bumungad.


"Nagtaka ka pa? Lagi ka naman natatamaan sa mukha."


Agad niyang inilapag ang kaniyang bag na naglalaman ng lagpas limang libro at hinabol ang kaklaseng si Keith.


"Bida-bida! Huwag kang magpapahuli sa akin!" sigaw ni Jenna.


Habang hinahabol niya ang tumatawang Keith, dunako ang tingin ko sa aking mga kaklase na may sari-sariling. May nagrereview, gumagawa ng assignment na hindi ginawa sa kanilang tahanan, may nagtitirintas ng buhok, at hindi mawawala ang away kaya tumigil napatigil si Jenny sa paghabol may Keith.


"Oh ano? May bagong sapatos ka lang, ang yabang mo na. Parang natapakan lang. Suntukan nalang!" paghahamon ni Jaycee kay Drake na masama ang tingin sa kaniya.


Napa 'ooh' nalang ang nga kaklase kong nakapalibot sa kanilang dalawa nang tumayo si Drake at inangasan si Jaycee.

Ilang segundo ang lumipas at naging mabigat ang atmospera dahil sa pagsusukatan ng tingin ng dalawa. Hanggang sa ambang susuntukin ni Jaycee si Drake ngunit nabitin ang kaniyang kamao sa ere.


"Ano nanaman ang kaguluhang ito?"


Mabilis pa sa alas-kwatro ang pagbalik nila sa mga sariling upuan nang marinig nila ang aming guro sa unang asignatura.


'Di nila mapigilang tumawa nang lingunin nila sila Jaycee at Drake na magka-akbay sa isa't isa.


Ngumiti si Jaycee bago bumati kay Ma'am na naka-arko ang kilay.


"Good morning, Ma'am. May bago kasing sapatos si Drake. Nagtatanong lang kaming lahat kung saan nanggaling."


Umiling-iling nalang si Ma'am bago pumunta sa unahan at sinimulan ang klase. Nang matatapos na ang kaniyang oras sa pagtuturo, nakita kong hindi na nagulat ang mga kaklase ko nang bumukas ang pinto ng silid.


"Good morning, Ma'am. I'm sorry I'm late." ang pagbati ko kay Ma'am.


At natapos ang video clip na ilang beses kong pinapanood ngayong pandemya.


...

A Young Pilipinas Flash Fiction

0 comments

Comments


Sponsors

Splenda Square Ads.jpg
Philips Square Ads.jpg
Philadelphia  Square Ads.jpg
Meat Republik 300 x 300.png
450 x 120 Leaderboard.png
bottom of page