Ang Bayani kong Guro
Pinuhuna'y tiyaga upang makaraos,
nagsunog ng kilay nang makatapos.
Sakdal man sa kahirapan iginapang ang pangarap,
hindi hihinto para sa darating na bukas.
Hawak ang pagmamahal sa edukasyon hinangad ang magturo,
pagiging malapit sa bata kasiyahan ang dulot.
Silang unang baitang sa bawat pagkatuto,
hagdan patungo sa propesyon pinanday nang may puso.
Pangalwang magulang na hindi matatawaran,
sakripisyo para sa mag-aaral hindi na baling mahirapan.
At kapag may problema at suliranin hindi pababayaan,
isang nanay, kapatid at mabuting kaibigan.
Gipit man at kulang ang kita hindi alintana,
madalas mang abunado—namunutawi ang kalinga.
Bayaning maituturing sa lahat ng bansa,
silang dahilan kung bakit nakakamit pangarap na tala.
...
Ang Bayani kong Guro by Ronjo Cayetano
コメント