Ang Aking Bayan
Nakakamanghang pagmasdan ang mga gusali, Matataas at 'di papadaig sa lawak. Nagbibigay ito ng kasikatan sa ating bayan, Subalit nakakaalarma ang pagsakop nito sa ating lupa.
Tanim na mayabong ay kinakain ng dilim, Lupang pang-agrikultura'y naiipit pailalim, Tamang dami't tamang sakop ng gusali ay isipin, Huwag ilubog ang yaman at lupa ng ating bayan.
Ang bibilis ng gawain at paggawa ng produkto, Nakakabilib subalit marami ang naaapekto, Adbanse ng teknolohiya'y naghahari kuno, Mga walang trabaho'y magigipit nito.
Kahirapan ang isyu sa ating bayan, Nararapat na mas bigyang oportunidad ang mga naghahangad, Ng trabahong makakatulong sa kanilang pang-araw-araw, Upang mapabuti 'di lang ng ating bayan.
Mahal ko ang aking bayan, Hanga ako sa pagbabago't kaunlaran, Subalit ang epekto'y mararamdaman kalaunan, Pagkat mga buhay at kinabukasan ng tao ang naaapektuhan.
...
Young Pilipinas Poem
Comments