Alaga ni Michael

Hinagis ni Michael ang karne ng manok sa isang kulungan. Kinain naman ito ng kaniyang alaga na si Andeng — na tila ba gutom na gutom kanina pa.
Pinaliguan niya ito pagtapos ngunit katulad ng laging nangyayari‚ ito ay nagwawala. Nais man niyang pakawalan ang alaga sa kulungan ay hindi maaari ‘pagkat ito ay nananakit ng tao.
Ilang oras ang makalipas... hinawakan ni Michael si Andeng sa mukha.
“P-paano ko ba h-haharapin ang bukas kung ganito? G-gusto ko nang makapagtrabaho. P-patawad.”
Maya-maya pa’y‚ humagulhol na siya ng iyak nang makitang unti-unti nang umeepekto ang gamot na hinalo niya sa karne ng manok kanina. At mas lalo pang bumuhos ang luha niya nang sa wakas‚ pumikit na ang mata ng kaniyang alaga.
Ngunit hindi naman hayop ang nanay niyang si Andeng.
Comentarios