Ako, ang literatura, at ang sosyedad
Ako, ang literatura, at ang sosyedad
Pagkakaisa'y naghahari, kilos ang namumutawi't salita'y inusal nang kay tingkad,
Inilalarawan ang bawat imahinasiyong binigyang buhay para umukit sa kaisipan ng madla,
At tanging ibabalandra ang katotohanang magpapabalik sa riyalidad ang makabuhay-dugong sigla.
Dayukdók kung ilarawan ang tulad kong puspós ng putik,
'Di ko man isatinig pero akin paring inibig magtiis sa diskriminasyong lintik!
Pagtatanim ay 'di biro, lalo na sa tulad kong dahilan ng pagkaing nakalatag sa'nyong hapag,
Ako ang dinudustáng magsasakang gumigibik, nakikiusap na itigil ang pagiging bingi't bulag.
Comments