top of page
Writer's pictureNerelyn Fabro

Uhaw


A poem about fun during the rain
A poem about fun during the rain


Sa pagtangis ng kalangitan, sino'ng 'di mananabik?

Kung dadampi pa sa katawan, hihintayin ang pagbalik.


T'wing bumubuhos ang ulan, sino'ng 'di sasaya?

Lalo kung binubuka ang kamay at umikot-ikot sa ligaya.


Kapag ang ulap ay mabigat ang nararamdaman, sino'ng hindi mapalalabas sa tahanan?

Lalo't tila ibinabahagi n'ya ang detalye ng katauhan.


Kapag tutunog na ang bubong, nag-iipon ang nag-aabang,

saulado na kasi ang yabag ng darating na nilalang.


Sinasahod sa timba ang patak para hindi masayang,

kung tulog man at 'di namalayan ay manghihinayang.

Ngunit nang maging mailap ang pagdalaw ng ulan,

lahat ay nalungkot maging pananim man.


Nanunuyo ang lalamunan ng mga tao, may hinahanap ang mata,

nakatingala sa langit, naghihintay ng pag-asa.


Masisisi kaya sila kung gano'n na lamang manabik sa kalangitan?

Masisisi kaya kung laging uhaw ang kanilang kinatitirikan?


'Di maaaring inumin ang tubig sa kanal,

kung bibili sa ibang lugar, siguradong mahal.


Kaya sa pagtangis ng kalangitan, sino'ng 'di mananabik?

kahit siguro sa kaunting patak, paniguradong hahalik.


...

Young Pilipinas Poetry

1 comment

Related Posts

See All

1 Comment


Unknown member
Sep 18, 2021

💛💛💛

Like

Sponsors

Splenda Square Ads.jpg
Philips Square Ads.jpg
Philadelphia  Square Ads.jpg
Meat Republik 300 x 300.png
450 x 120 Leaderboard.png
bottom of page