top of page
  • Writer's pictureNerelyn Fabro

Tela


Magiliw na sinalubong ni Dave ang umaga at dahil sa kasiyahan niya ay nagsimula na siyang magbihis. Sinuot na nito ang pulang sombrero kapares ang maong na pantalon at asul na damit na siyang gagamitin niya patungo sa kaniyang lolo Juan.


Tirik na tirik ang araw ngunit binagtas pa rin ni Dave ang lubak-lubak na daan. Tumatagaktak na ang pawis nito ngunit agad ding napawi ang kaniyang pagod sa paglalakad nang makita na niya ang kubo kung saan naroon nakatira ang kaniyang lolo Juan.


"Lolo!" Masiglang pagbati niya sa matanda at nagmano ito bilang tanda ng paggalang.


"Itong apo ko talaga, napakabait." Wika naman ng kaniyang lolo.


"Buweno, nasa loob ng kubo ang nanay mo, magmano ka rin sa kaniya." Dagdag pa nito.


Agad namang nanlaki ang mata ni Dave at 'di na nagdalawang isip na pumasok sa kubo at tinanggal ang nakita niyang tela.

"Lolo, inaagnas na si ina, hindi niyo pa rin siya naililibing?!" Gulat nitong bigkas sa nanay niyang isang buwan nang patay.


0 comments

Коментарі


Sponsors

Splenda Square Ads.jpg
Philips Square Ads.jpg
Philadelphia  Square Ads.jpg
Meat Republik 300 x 300.png
450 x 120 Leaderboard.png
bottom of page