Pula
"Kunin mo, walang mawawala sa'yo," pangungumbinsi sa akin ng 'di pamilyar na mukha.
"Wow! Ang pula!" inosente kong sagot na agad n'yang ikinatuwa.
"Dahil d'yan kunin mo na ito," sabay lahad sa akin ng mansanas na agad kong kinagat. Ngayo'y nagising ako sa katotohanan na hubo't hubad kami ni Adan.
-- a flash fiction by Nerelyn Fabro
Nerelyn Fabro, 17 taong gulang. Nilalaro ko ang mga salita kapag pinaglalaruan ako ng mundo. Halimaw man ang delubyo, wala itong laban 'pagkat pluma ko'y hindi nagpapatalo!
Comments