Doc
"Suma Cumlaude, Jairah Festino!"
Maluha-luha kong minumuni-muni ang pinakamasaya at emosyonal na pangyayari sa buhay ko.
Sampong taon narin pala noong umakyat ako sa entablado, para tanggapin ang diplomang pinangarap, suot ang togang itim at bitbit ang sandamakmak na medalya.
Ngayo'y isa na akong doctor na tinitingala, na dati-rati'y madalas minamata at kinukutya.
"Heto na, ang bunga ng lahat ng aking sakripisyo at pagtitiyaga." Pagmamalaki kong bulong sa'king sarili, habang nakaupo sa'king paboritong opisina.
"Sir, kailangan na po kayo sa loob," gising sa'kin ni nurse.
Pagmulat ko'y nasa upuang de-gulong parin ako sa hospital, matapos ang aksidente noong graduation ko.
Commenti