top of page
Writer's pictureYoung Pilipinas

5 Tips Para Mas Makabenta Ang Iyong Sari-Sari Store



Young Pilipinas - 5 Tips Para Mas Makabenta Ang Iyong Sari-Sari Store
5 Tips Para Mas Makabenta Ang Iyong Sari-Sari Store

Nakasanayan na ng karamihan sa Young Pinoys ang pagbili ng produktong tingi. Nakakabit na ito sa kultura ng ating mga mamimili kaya naman kahit saang sulok ng Young Pilipinas, may makikita kang sari-sari store. Halos lahat ng kailangan at gusto mong bilhin tulad ng shampoo, noodles, canned goods, biscuits, at marami pang iba ay mabibili dito.


Isa ka bang sari-sari owner o nagbabalak pa lang magsimula ng iyong sariling tindahan? Narito ang ilan sa mga tips para mas makabenta sa iyong mga suki. Kung ikaw naman ay isang suki ng sari-sari store, siguradong makaka-relate ka dito.


1. Maayos na relasyon

Walang makakatalo sa maayos na relasyon sa mga Young Pinoy suki dahil ito ang pundasyon sa kanilang pagbalik sa iyong tindahan. Hindi kailangang gawin mo silang best friend pero kumonekta sa kanila. Makipagkwentuhan kapag may pagkakataon at kumustahin ang kanilang araw. Sa mga simpleng paraan na ito, makakapalagayan mo na sila ng loob.


2. Magandang serbisyo

Hindi magiging buo ang experience ng iyong suki kung hindi maayos ang serbisyo ng iyong sari-sari store. Siguraduhing maayos ang response sa kanilang hinahanap tuwing bumibili. Maaari mo ring itanong sa kanila kung ano-ano pang mga produkto ang gusto nilang madagdag sa iyong tindahan. Sa ganitong paraan, makikita nila na pinahahalagahan mo ang kanilang feedbacks.


3. Discounts

Sino ba ang aayaw sa discounts? Magandang paraan ang pagbibigay ng discount sa iyong mga suki na maaaring magdulot pa sa kanila na bumili ng mas maraming produkto sa’yo. Hindi mo ito dapat gawin palagi pero tuwing maganda lang ang iyong kinikita. Halimbawa, bumili siya ng 7 shampoo, pwedeng gawin mo nang libre sa kanya ang isa ng piraso.


4. Gumawa ng gimik

Mas kaaibang gimik, mas makaka-attract na makabenta ng marami sa loyal customers. Tulad ng discounts, hindi rin ito dapat gawin palagi kung ‘di pag may mga espesyal na okasyon lamang. Isang halimbawa, tuwing ika- 14 ng Pebrero mamimigay ka ng bulaklak o chocolate bilang selebrasyon sa Valentine’s Day.


5. Magkaroon ng customers’ data

Maiiging sinasabayan at sulitin kung paano makakatulong ang technologies ngayon tulad ng social media. Ang customers’ data ay maaring sa pamamagitan ng paggawa ng online group chat o online data base kung saan makikita ng iyong mga suki kung ano at ilan ang available products sa iyong tindahan sa araw na iyon. Pwede rin silang mag-send ng message doon para sa katanungan sa produkto. Dahil karaniwang nasa kabahayan lang din ang ang mga sari-sari store, hindi kailangang high-end ng iyong pamamaraan basta’t mas mapapadali sa mga suki mo na malaman nila ang updates sa iyong tindahan kahit sa kanilang cellphone lang.

Matagal nang nakaugat sa kasaysayan ng Young Pilipinas ang kultura ng tingi kaya naman matagal ring magiging parte ang sari-sari store sa araw-araw na pamumuhay ng mga Young Pinoys. Mas malaki ang chance na mas makakabenta ka sa iyong mga suki basta’t laging pag-isipan nang mabuti ang mga gagawing hakbang sa iyong negosyo.


0 comments

Related Posts

See All

Comments


Sponsors

Splenda Square Ads.jpg
Philips Square Ads.jpg
Philadelphia  Square Ads.jpg
Meat Republik 300 x 300.png
450 x 120 Leaderboard.png
bottom of page