top of page

5 Rason bakit dapat mo mapanuod ang Maria Clara at Ibarra

Writer's picture: Michelle LanternoMichelle Lanterno


Photo from Maria Clara at Ibarra and GMA Drama
Photo from Maria Clara at Ibarra and GMA Drama

Gabi-gabing trending online at tinututukan ng marami ang bagong teleserye ng GMA Network na Maria Clara at Ibarra. Kwento ito ng isang Gen Z nursing student na si Klay at ang kanyang ‘di inaasahang paglalakbay sa mundo ng nobelang Noli Me Tangere. Pinagbibidahan ito nila Dennis Trillo bilang Crisostomo Ibarra, Julie Anne San Jose bilang Maria Clara at Barbie Forteza bilang Klay na mapapanuod tuwing 8:00 ng gabi. Magiging saksi si Klay sa mga pangyayari sa buhay nila Crisostomo Ibarra, Maria Clara, Padre Damaso, Kapitan Tiago at marami pang iba. Ang nobelang Noli Me Tangere ay akda ni Dr. Jose P. Rizal ukol sa maling pamamahala ng mga Kastila sa Pilipinas sa loob ng 300 taon at isa sa naging dahilan upang magsimula ang reboslusyon ng mga Pilipino noong 1896.

Narito ang 5 rason bakit kailangan mo na ring mapanuod ang Maria Clara at Ibarra:


Relatable


Tulad ni Klay na isang Gen Z, ipinapakita dito ang hirap ng acad works lalo na kung kasabay nito ay ang pagtratrabaho para masuportahan ang sarili. Bukod dito, sobrang relatable kung paano hinaharap ni Klay ang kanyang mga problema sa pamilya na nangyayari pa rin sa maraming Pilipino.


Para sa Young Filipino Readers


Siguradong magugustuhan ng young Filipino readers ang Maria Clara at Ibarra dahil ang creative consultant nito ay ang National Artist for Film and Broadcast Arts na si Ricky Lee. Screenplay writer siya ng ilan sa mga award-winning na mga pelikula sa Pilipinas tulad ng Himala, Cain at Abel at co-writer sa Jose Rizal at Muro Ami.


Isa rin sa utak ng seryeng ito ang Head Writer na si Suzette Doctolero na sumulat ng tinangkilik nating mga teleserye na Encantadia, Amaya, Indio at Sahaya.


Script


Unang linggo pa lang pero marami ng quotable lines dito. Isa sa naging trending online ay ang pag-uusap ni Klay at ng kanyang Professor sa Rizal Studies na si Mr. Torres dahil bumagsak siya sa kanyang subject.


“Kaya walang nangyayari sa bayang ito dahil sa mga Pilipinong gaya mo na walang pakialam sa totoong istorya ng kasaysayan.”

-Mr. Torres


“Truth be told sir, ang hirap hirap mahalin ng Pilipinas.”

-Klay


Mabusisi at Detalyado


Nasanay tayong TV viewers na parang paulit-ulit lamang ang napapanuod sa local channels kaya ang iba ay tumatangkilik sa Korean Dramas at Western Series. Sa Maria Clara at Ibarra, hindi lang istorya ang pinaghandaan pero pati na rin ang pagiging mabusisi sa wardrobe, detalyadong set designs at magagandang locations. Kaya nitong makipagsabayan internationally hindi dahil naging K-drama wannabe pero dahil sa pagyakap sa sariling creative styles na nagpaganda sa teleserye.


Para sa Young Pilipinas


Tulad ng sinabi ni Klay kay Mr. Torres, may mga pagkakataong mahirap mahalin ang Pilipinas. Magandang pagkakataon ito para mapaalala sa Young Pilipinas lalo na sa mga estudyante na hindi lang pagkakabisa sa pangalan ng mga bayaning Pilipino ang pag-aaral ng kasaysayan. Mapapaalala ng teleseryeng ito ang kahalagahan at epekto ng kasaysayan ng Pilipinas sa ating kasalukuyan pamumuhay.

0 comments

Related Posts

See All

Comments


Sponsors

Splenda Square Ads.jpg
Philips Square Ads.jpg
Philadelphia  Square Ads.jpg
Meat Republik 300 x 300.png
450 x 120 Leaderboard.png
bottom of page